Happy Birthday Nay!

Pansamantala ko munang tinigil ang aking mga ginagawa upang batiin ang aking Nanay ng Maligayang Kaarawan! Happy Birthday Nay!!! :) Kahit na ilang araw pa talaga bago sumapit ang June 6 na tunay niyang kaarawan… :) Siguro magtataka kayo kung bakit ang aga ng aking pagbati, ang iba ay iisiping excited at wala man lang element of surprise… :-/

Gusto ko lamang malaman ng Nanay ko na kahit malayo man kame ay hindi namin sya nakakalimutan lalo na ang mahahalagang okasyon sa kanyang buhay… Naalala ko tuloy nung nakaraang Mother’s Day… Magka-chat kame two days before Mother’s Day, ito ang kanyang buwelo : kuwento tungkol sa darating na election, kung sino-sino ang iboboto niya at ang mga kaguluhan sa Pilipinas. At sa araw ding iyon, ay me birthday daw. Naalala ko daw ba? Siyempre oo naman! :)   Birthday yun ng Lola (Nanay ng Nanay ko nag-alaga sa amin nung bata pa kame :) ) ko na matagal ng namayapa… Kuwento sya ng mga plano nila for that day (same day kase ang election at birthday ni Lola)… Ng tapos na ang buwelong kuwento, tanong sya, wala daw ba akong ibang naaalala? :-/ Patay malisya at pigil sa pagtawa, sabi ko WALA! Ano pa ba ang meron? :| Siyempre, katulad ng inaasahan, nalungkot na ang nanay ko at nagpaalam na sa aming usapan upang matulog… :) 

Kinabukasan, nakatanggap ako ng text mula kay LG, ang aking kapatid… Sabi nya nagtatampo na naman daw si Nay at hindi ko binati… Since hindi naman masyado madaldal si LG, sinabi ko na din ang surprise namin ng asawa ko na nag-order na kame ng flowers na ipapadala mismo sa kanya sa araw ng Mother’s Day. Super tampo ang Nanay ko ha, text daw ng text kay LG at nagsusumbong… Eto pa ang malalang tanong, “Hindi ba Worldwide Celebration ang Mother’s Day? Dito lang ba sa Pilipinas na-celebrate yun??” Hay!!! :)) Natatawa na lang kame ni LG, si Nay talaga wala man lang element of surprise! :)) …Siyempre, nagtatampo pa din ang Nanay ko, hindi nag-online (night before Mother’s Day) at siyempre din pinangatawanan namin ang pagpapanggap, hindi kame nagte-text at bumati… Kaya hindi na natiis ng Nanay ko, saktong 12AM ay nag-text, “Happy Mother’s Day, tutal ikaw naman ang Mama ni Alvin”… No Reaction pa din kame. :D (Hay Hirap i-surprise! :) ) Nung umaga ng Mother’s Day, tawag nanan sa phone, hindi namin sinasagot dahil ang gusto namin pagdating ng flowers tsaka namin sya tawagan at batiin. Pero hindi na din namin nagawa ang aming mga plano dahil mag-lunch na ay wala pa ang mga flowers dahil nga taga-probinsya pa kame. :) Dahil sa i-treat siya ni LG sa mall, tumawag na din kame before sila umalis at sinabihan si LG na mag-iwan ng tao sa bahay na tatanggap. Pero siyempre hindi pa din niya alam ang lahat… :)

FlowersGabi na ng sila ay makabalik at nakita niya ang aming “surprise”… On-line naman agad si Nay, sana daw ay binati na lamang namin siya… Ang aming pagbati daw ay enough na sa kanya. Sayang naman daw ang mga bulaklak dahil tiyak na mahal ito… Hay, Nanay ko talaga! :) 

Isa lamang ang aming natutuhan sa pangyayaring ito, wag na i-surprise si Nay sumasama lamang ang kanyang loob! :D Kaya ang sabi ko sa asawa ko, dapat pala week before pa e nagpadala na tayo ng flowers! :)) Kaya ngayon, maaga pa lamang ay binabati ko na ang aking Nanay at ayoko na sya i-surprise kaya pinakita ko na sa kanya ang regalo ko! :)) (Wala na talagang surprise! :) )

Nay, HAPPY BIRTHDAY! Gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal ka namin. :) Wag mong iisipin na hindi ka namin naaalala lalo na sa mahahalagang okasyon ng buhay mo dahil you’ll always be in our hearts, kayo ni Tatay… :)

create your own slideshow

Isang Taon at Limang Buwan…

Isang taon at limang buwan na kaming mag-asawa ni Alvin… Maayos naman ang aming buhay, tahimik, masaya at puno ng blessings maliban siyempre sa ilang mga bagay…  Ganun yata talaga ang buhay, hindi lahat ibibigay sayo pero sa lahat naman ng mga nangyayari we should always look on the brighter side of life…

Ito kasing mga huling buwan ay palagi nagkakasakit ang aking asawa… Sickness that sometimes affect our relationship, kahit ano na kasing pag-aalaga at pag-iingat ang gawin ko, nagkakasakit pa din sya… Mahina kase ang katawan nya, napaka-kulit kase ayaw kumain ng nutritious foods at napabayaan nya ang sarili nya nung bata pa sya kaya ngayon, sinisingil na sya… Pag may sakit masunurin na ulit, pero pag bahagya guminhawa balik na naman sa dati… Kaya para akong may alagang anak, siguro nga mas makulit pa at matigas ang ulo… ~X(

Siguro kung may ayaw man ako sa pangyayari, ito ay ang kanyang kundisyon… Lahat naman kase ay binibigay nya sa akin (maliban sa allowance na promise nya, nasa akin naman daw ang ATM cards at may credit cards din ako :)) ). hehehe. Wala ka namang ire-reklamo sa kanya; mabait, mapag-alaga, mapagbigay at mapagmahal na asawa yun nga lang sakitin… I’m not taking this against him (his condition), hindi yun kakulangan sa kanya… Gusto ko lang siyempre na palagi sya maayos at healthy. Ang fulfillment ko kase ay to make him feel better, make him look good and make him feel that he is very much loved. Ayoko rin kase na nakikita ko na nahihirapan sya, nami-miss ko na yung mukhang kiti-kiti sa gulo! :)

Kung hindi man maganda ang mga nangyayari, ang tanging masasabi ko lamang ay laging kaming magkasama at magkaramay… :)Naalala ko tuloy ang mga bloopers, nung sa ER kami nagpunta (weekend kase kaya wala ang doctor nya) napagkamalan ako ang pasyente dahil ako daw kase ang kausap ng doctor, gusto ba naman akong kuhanan ng BP (buti hindi dugo! :)) ) Dito naman, tinanong ako ng GP doctor kung nurse ba ako, ako kase ang naglilinis at nag cover ng gauze ng blisters nya (due to shingles) na kung maaari daw ay sa hospital gawin. Madali lang naman kase gawin, pinanunood ko kase yung nurse at complete din ang aking apparatus with matching gloves. :)

Sa mga nagbabasa, hindi po malala sakit ng asawa ko. Nagkataon lang na nagkasunod-sunod ang pagkakasakit niya plus stress from work. :( Kahapon nga, sabi ko sa kanya ay bibilhan ko sya ng Jade, Jade is famous here sa mga Chinese for their healing properties. :) . Syempre ayaw nya, pero kanina iba naman ang na-suggest ko sa kanya, Teslar Watch. Based from research, may mga good benefits sya and na-protect nya yung body from harmful environment… Sabi ko nga sa asawa ko, kung ano mang meron chance (maliit man o malaki) para maging malakas at maayos ulit condition nya I’ll take it… Siyempre pa, hindi mawawala yung prayer petition ko na maging maayos at mabuti ang aming lagay…

Genting PixWe’re very positive that we can make this marriage work through God’s help and guidance. Everyday I will thank God for giving me my husband… I’ll never get tired of taking care of him… I’ll never stop from loving him… He’s the best gift from God that I’ll always cherish and love. :)

Work of ARTe

create your own slideshow

ArTEmio

ArTEmio ang isa pang pangalan ng asawa ko, from the root word ARTE… :D

Sa mga hindi pa nakakakilala sa aking asawa o hindi pa lubos na kilala ang aking asawa… eto ang kanyang avatar. Gusto ko lang i-share sa inyo na ganitong-ganito siya sa aming bahay. Dati tuwing umaga, during and after breakfast ay nagko-commercial ang isang Japanese Electronics Store sa TV at meron silang theme song, ang “Ichiro” (ayon sa pandinig ng asawa ko! ;;) ) na sinasabayan naman nya ng kanyang sariling “Ichiro Dance”

Presenting, the Ichiro Dance (Best Denki)…

Tinga

Great Singapore Sale

Ang tagal ko hinintay ang GSS, feeling ko madami talaga sale… Madami nga sale pero hindi naman talaga sale, mahal pa din at yung iba mga tira-tira na sale items before pa mag May 25 (opening day ng GSS). After lunch nagpunta na ako sa Orchard, excited ba?! Gusto ko lang makita kung madami nga sale pero naisip ko din wala naman ako bibilin, bakit pa ako pupunta? Pero syempre pumunta pa din ako, experience ba… Madami na ang tao ha at nagmamadali talaga sila, magkakaubusan ba ng paninda?! :-? Pero sige libot pa din ako, naalala ko bibili nga pala ako ng medyas ni Alvin… Ayan me rason na ako para maglibot. :) Napagod na din ako sa kakalakad pero wala pa din ako nabibili, wala yung nakita ko nung isang araw na gusto ko, baka sa ibang mall meron!

Vegetarian DelightMasakit na din ang paa ko sa paglalakad kaya kahit busog pa ako ay naisipan ko na kumain para makaupo… Sa isang Chinese Restaurant ako kumain, vegetarian delight in special vinegar dressing (ito na ang favorite of the month ko :P , last month fried prawn noodles) lang naman talaga ang gusto ko kainin dun dahil busog pa nga ako at yun lang talaga ang masarap dun.  Sabi nga ng asawa ko minsan, nakakahiya naman kung yun lang ang kainin natin kaya napilitan na din ako umorder ng soup. Hot & Sour Soup ang inorder ko, hindi ko alam kung bakit pero paborito ko sya, kakaiba kase ang lasa. /:) Matapos ako kumain, nakita ko maaga pa… Nga pala, magkikita kase kame ng asawa ko sa Marina ng 6 kaya nagpapatay ako ng oras. Naka-dalawang tasa tuloy ako ng tea! :)

Naisipan ko na maglalakad lakad ulit tutal nakapahinga na naman ako at ilang mall pa ang hindi ko napupuntahan at take note, wala pa akong nabibiling medyas! ;) Mag 4PM na yun kaya mas lalong dumami ang tao at siyempre pa nagkakagulo sa mga sale items. Sa wakas, nakabili na din ako ng medyas pero hindi sale! hehehe. :-$ Tapos na ang misyon ko sa Orchard, sa Marina naman ako. Kahit maaga pa, pumunta na din ako sa aming meeting place dun naman ako maglilibot at syempre mag-aantay! :)

CinemArTE

Pirates of the CaribbeanFor the first time nakauna din kame makapanood ng palabas sa sine dito…Hay, na-miss ko tuloy ang Greenbelt,  :( dati rati kase ay pag wala kame magawa ng asawa ko ay nanonood lang kame ng sine o nagta-Time Zone sa Greenbelt dahil kapitbahay namin ito… Ngayon, kahit sa city kame nakatira ay ewan kung bakit hindi kame nakakapanood ng sine… :-/ Siguro mahal (isang sine kase dito, katumbas na ng dalawang sine sa Greenbelt), hindi pa masyado maganda ang sinehan at pag sa magandang sinehan naman ang haba lagi ng pila!

Kahapon ang unang showing ng Pirates of the Caribbean, at World’s End dito. Hindi naman kame fanatic ng palabas na ito, pero napanood namin yung naunang dalawa… Tapos etong pangatlo libre pa. For this month, eto ang private event ng apartment na tinitirhan namin. 5:45PM pa lang ay nasa Cathay Cineplex na ako para kuhanin ang aming ticket. Usapan namin ng asawa ko na magkikita na lng kami sa nasabing lugar dahil galing siya at ng kanyang mga ka-opisina sa bangkong kanilang pinapasukan. Before magsimula ang palabas ay nagkaroon pa ng pica pica sa lounge. Kahit wala pa ang asawa ko ay pumasok na ako, kahit mag isa. :| Nag internet at syempre kumain, wala naman kse masyado tao pa… Ang sarap ng pagkain lalo na yung mga tarts at rolls. :) Maya maya lamang ay dumating na ang asawa ko, nakahabol pa ng pagkain… :P Before pa pumasok ay may libre ulit na popcorn at softdrinks… :)

Sa loob naman ay nagulat pa kame ng asawa ko dahil sa harap pala ang puwesto namin, pangatlo sa harap! Yun kase ang binigay na ticket sa amin at nung tiningnan ko naman ang puwesto ay okey, yun pala ay baligtad ang kanilang arrangement. Sa halip na sa me bandang likod kame, sa bangdang harap kame napunta… :-t

Okey naman ang palabas, kailangan mong alalahanin ang mga pangyayari sa naunang dalawang palabas para mas maintindihan mong mabuti… Meron pa ngang isang scene which reminds me of Loleeta P. Go a.k.a Charlotti! =)) To Lolee, you should watch this movie and see for yourself! … As usual, me kasunod na naman sya… Para sa mga nagbabasa, syempre hindi ko naman ikukuwento ang nangyari maliban sa naging pirate si Orlando Bloom! :P

Summer Arte!

Summer Arte 

Look at my new avatar. Arte pa din!  :)) …Wala lang, gusto kase sana namin ng asawa ko na makapunta man lang sa beach ngayong summer (Summer pa ba :-/ Araw-araw na kaseng umuulan dito.) at ng makapagpahinga under the sun! (As if magpa-araw dw ako sabi ng asawa ko! :-? ). Tagal na din namin hindi nakalabas ng asawa ko, lagi kase sya nagkakasakit… Lately nga, almost two weeks kame na nasa bahay lang, habang siya ay nagpapagaling ako naman ang kanyang cook. (:| Kaya promise nya na mag beach daw kame pag tuluyan na siyang magaling, pag wala na ang scars ng shingles nya ;) .

<For Tingks, kailangan mo mag rest naman from work, pang-alis ng stress. Syempre sama ako! ;;) >

My Visual DNA

Read my VisualDNAâ„¢ Get your own VisualDNAâ„¢

Simula ng Kaartehan…

Sa wakas meron na rin akong blog!!! :) Matagal tagal ko din pinag isipan ang pagkakaroon ng isang blog. Hindi naman kase ako mahilig magsulat pero dahil sa araw araw na pang-iinggit na asawa ko, napapayag na din nya ako. Tama pala sya, ang hirap magsimula ng isang blog; mula sa pag-isip ng pamagat, sa pag-disenyo ng website at lalong lalo na ang pagsusulat…

Suhestiyon ng asawa ko ang title naExecutive Housewife , iyan kase ang sinasabi nya na aking bagong profession… Ang sub-title naman na kwentong arte… ay syempre galing sa akin, kwentong arte kase second nature ko na daw yun… ;;) Maarte daw ako pero in a nice way… Gusto ko lng naman ay maayos ang lahat ng bagay, gamit at lalong lalo na kaming mag-asawa. Pero hind ako OC ha! :-? Maarte ako or should I say mapili at metikuloso lalong lalo na sa mga gamit naming sinusuot. Naalala ko tuloy ang sabi nga ng asawa ko, pwede na dw makahiwa ang guhit ng pantalon nya at long sleeves sa sobrang unat. Pano ba naman hindi uunat, e 30mins daw ako magplantsa ng isang long sleeves! Kaya ang suggestion ng asawa ko ay maghanap na daw ako ng plantsadora. =))

Kung itatanong nyo naman ang mga larawan sa ibaba, ito ay ang aking mga kaartehang gamit, mga paboritong pagkain at syempre ang pinakaimportante sa lahat ay kaming mag asawa… Naging isa kse akong Executive Housewife mula ng ikasal kame ng asawa ko, matagal tagal na din palang panahon iyon… Kung iisipin mo ay nakakainip maiwan mag isa sa bahay lalong lalo na kung nasa malayong lugar kayo pero sa sitwasyon ko ay kaya pa naman. 8-| Hindi ko man napa-practice ang aking propesyon ay ayos lamang sapagkat mas mahalaga sa akin na alagaan ang aking asawa lalong lalo na sa panahong kailangan nya ako… Mas fulfilling pala yun kesa sa magtrabaho sa corporate world, sa opisina kase kung mawala ka madaming pwedeng pumalit sayo (nag-uunahan pa sa pila!) pero ang tungkulin mo bilang may bahay ay walang pwedeng pumalit… O:-)