kaisipang Dapat Isipin…

Tuwing nag-iisa ako dito sa bahay (which is most of the time :( ) naitatanong ko palagi sa aking sarili kung ito ba talaga ang gusto ko, ang maging isang plain housewife? Nung nag-aaral kase ako, alam ko na ito ang gusto ko… Maski nung bata pa ako… Gusto ko kase yung “ideal” family set-up, wherein the mom stays at home with the kids and yung dad ang bread winner… When I was a kid kase, yung Lola ko at yung kasama namin sa bahay lang ang lagi ko kasama, kaya I said to myself, that won’t happen to my kids… But when I started to get serious with my studies (later part of my college days) mukhang nag iiba na ang gusto ko… I am always thinking if I can give up my career at siyempre part of that is yung pinaghirapan ko nung college…

Honestly, hindi naman ako likas na matalino. I really have to study hard para lang pumasa… Sayang nga yung mga naunang taon ko sa college dahil hindi ako nag seryoso at nagtiyaga sa pag aaral. Nung later part na lang ako bumawi, thanks to Eds and Pol! Lagi ako inaaya mag aral kaya wala ako choice… hehehe :)) . Naging favorite ko tuloy ang Unit Operations at Thermodynamics.

Nung nag-review naman ako for the board exam, naging favorite book ko ang Fundamentals of Chemistry and I started to appreciate the Unit Operations Book (old version, forgot the author :) ) than the version of McCabe. I consider my books as my greatest possesion during that time… my Perry’s Chemical Engineering Handbook! No matter what happens, I’ll keep my books forever. :))

When I started working, ang hirap pala… Not on the mental part but on the physical aspect plus the fact that my salary is just enough for me, malaki pa nga yata allowance ko nung nag aaral ako. :) I enjoyed working, yung interaction with different kinds of people, learning new things and the pressure that boost my thinking ability most of the time. :) I also love to dress up for the office… Kahit na nga ba mukha akong guro sa office uniform ko. :) Dati, sobra hirap ako gisingin ng nanay ko every morning but now I miss the morning rush… :( I miss dressing up every morning… my pointed shoes… :)) my friends… :( my paper works… learning new things… interaction with different kinds of people… my balanced scorecard… my ATM card :)) … I miss everthing!

Ilang beses na namin pinag usapan ng asawa ko ng issue na magbalik work ako, pero as usual… ayaw niya. Pumapayag nga, masama naman ang loob. :( Palit daw kame… Honestly kung kaya ko i-earn yung benefits and salary nya, I’ll gladly trade my place with him… :) He wanted me to start a business pero ang hirap… to think na nasa malayo akong lugar at wala sa Pilipinas. I’ve worked in an office wherein I had the chance to interact with businessmen and I also handled the Business Processes of the Company, dun ko nakita na hindi pala madali magtayo ng business. There were so many things to consider… Every aspect dapat alam mo… plus the economy and your target market… Hindi yata biro pumasok sa isang negosyo na hindi mo alam. Hindi komo me capital ka e your capable to put up your own business. Pwede, oo, pero sa wala lang mauuwi iyon…

Sa dami ng kaisipan na ito, hindi ko na alam kung saan ako papunta :-/ … Finding my own career in a corporate world? Business tycoon? :)) or an executive housewife for life?

Picture Day!

Maaga pa lamang ay gumising na ako para maghanda ng breakfast, ang asawa ko kasing “photographer” (kuno :D ) ay gustong gumawa ng sarili niyang work of ARTe! :)) For a change, sa Chinese Garden kame nagpunta… Naging nature tripping naman ang aming adventure. Well, mas okey dahil nakaka-relax, exercise na din at isa pa ay mas matipid… :)

Sa simula pa lamang ng aming biyahe ay nagrereklamo na ang aking asawa, malayo daw kase ang aming nilakad… Pagdating sa Chinese Garden MRT ay lakad na naman… Karamihan ng aming mga nakakasalubong ay puro nag-jogging samantalang kame ay nakapayong pa sa paglalakad. :)) Pagtapak pa lang sa entrance ay umarya na ang aking asawa sa pagiging “feeling photographer” at siyempre pa ako ang kaniyang model! :^O Nakakapagod din palang ngumiti! :) 

Garden 

Hindi na namin nagalugad ang buong lugar, ang laki kase at isa pa mainit at paiba-iba ang panahon. Kumukulimlim at parang nagbabanta ng pag hamog tapos maya maya ay iinit naman… Kahit na mga mukha kaming dugyot dahil sa init at pawis B-) ay nag MRT pa din kame papunta sa Vivo City para magpalamig at mag-lunch na din… Siyempre pa Thai Restaurant na naman kame kumain, favorite kase ng asawa ko ang Tom Yam. Kahit na nga ba nagkakanda-tulo ang sipon nya sa anghang, sige pa din. :)) Matapos ang lunch, hindi na kame naglibot dahil sa sobrang pagod at wala sa budget namin ang mag-shop. :)

Pagdating sa bahay ay agad kaming nagpahinga dahil sa hapon ay dito naman kame sa Clarke Quay (Riverside) maglalakad at magpi-picture… Mula sa bahay ay naglakad kame hanggang sa North Bridge Road para mag-picture sa mga dragon lanterns. Pagdating namin duon ay hindi pa bukas ang mga ilaw kaya naglakad lakad na naman kami. (:| After 30mins pa yata nang buksan ang mga ilaw… Hay, pagod! :) Sa aming pagbalik ay sa kabilang side naman kame ng river naglakad. Siyempre pa nag-picture picture pa din ang aking asawa habang kame ay namamahinga sa gilid ng river… Madami ding taong namamasyal, kumakain at nagpapahinga sa lugar na ito. Kahit medyo mainit, nakaka-relax ang place dahil sa maganda ang lugar lalo na kung gabi at masarap maupo at magpahinga lang malapit sa river… Matagal tagal din kaming naupo at nag-ipon ng lakas para sa aming paglalakad pauwi sa bahay at siyempre pa para sa aming photo session. :D Sa aming paglalakad pauwi, naisip namin ng aking asawa na mahirap pala ang maging photographer, ang maging model at the same time alalay ng photographer. :))

River 

Nakakapagod at masaya ang aming bagong bonding moment sa araw na ito… Simple lang ngunit puno ng masayang alaala. :) Sa susunod na linggo, saan naman kaya kame mapapadpad? :-/

Araw ng Biyernes…

Biyernes na naman, hay salamat! (as if nag work! :D ) Hindi na naman kailangan gumising ng maaga sa susunod na dalawang araw… :)

Tuwing Biyernes ang schedule naming mag asawa sa pag attend ng service instead of Sunday. Ito na rin ang aming pinakalabas, dinner before service… Sa Suntec o sa Marina na lamang kame nagkikita ng aking asawa tuwing Biyernes. Ngayong araw na ito, umalis ako ng maaga sa bahay… nag inquire kase ako ng baking course. Mga details ng kailangan ko i-submit para makapag-enroll sa September. Medyo matagal pa nga dahil sa July at August ay hindi ako puwede… Sa July kase ay bibisita ang Nanay at Tatay ko dito sa amin. Sa August naman ay uwi kame ng Pilipinas. Kaya September na talaga ang pinakamaaga kong pasukan… Pero pinagiisipan ko pa din, medyo mahal kase sya… :( Pero kung susumahin mo, ganun din naman ang bayad sa atin. Hay sana lang matuto ako… :)

Pagkatapos ko mag-inquire diretso na ako sa aming meeting place, sa Marina. Ang aga ko! Usually kase, mga 7PM pa dumadating ang aking asawa pero 5PM pa lamang ay andun na ako… Hindi na ako naglibot baka me mabili na naman ako, tipid tipid muna kase ako ngayon. :) Buti na lamang at binaon ko ang aking PSP, pampalipas oras… Nung isang araw kase ay binilhan ako ng asawa ko ng bagong bala, Lumines II. Naloko ko kase siya na nagdadamot na! :)) Ang larong ito kase ay meron sa cellphone nya dati… Nasira kase ang joystick ng telepono nya kakalaro ko (ito yung panahong nasa ospital kame). Bilang parusa, ako ang inutusan niyang magpagawa ng cellphone nya at pumila ng mahaba sa Nokia! :) Nagawa ko naman, buti na lang under warranty pa ang kanyang telepono! :) Nung isang araw ko lang natuklasan na binura na pala niya ang larong ito, nagdadamot na kase!!! ~X(

PSPIlang araw ko na ding nilalaro ito, pampalipas oras lalo na pag naiinip ako sa paghihintay sa kanya… Ang layo na nga ng narating ko sa vs. CPU mode. :) Kanina, habang ako ay nagre-research sa internet regarding sa school na gusto kong pasukan, nilaro niya ito. Bago pa nga nya laruin ay pinaalalahan ko pa na baka mabura yung nilalaro ko… Pero tuloy pa din sya, na-save naman daw nya. Alanganin pa din ako, kutob ba? Tama pala ang aking kutob, na-reset nga ang ilang araw ko ng binubunong tapusin! ~X( …Kaya eto simula na naman sa Stage1… :-t  Hay!!! Naalala ko tuloy nung siya naman ang naglalaro ng Xbox. Sa kagustuhang hindi ma-reset, iniwan sa cabinet na bukas ang Xbox! Pag uwi namin sobrang init ng cabinet at ayun nasira ang kanyang Xbox…

Kaya ngayon ay ayoko na ulit maglaro… Nakakasira ng momentum! Hay! :( Kaya eto, napasulat tuloy ako bigla ng blog. Sabi ko kase sa asawa ko, “isusumbong kita sa blog ko!” Hehe. :))

Another Work of ARTe

BabyIsang obra maestra ng kaartehan na naman ang aking natapos, cross stitch ng baby sa precious moments … after almost eight months! ;) Ngayon ko lang na-realized, ang hirap pala mag cross stitch. Nakakalibang sa simula dahil ang bilis umubos ng oras, as in hindi mo mamamalayan ang oras! :) Sobra pang nakakaduling at ang sakit sa likod… @-)Naalala ko tuloy, pinaka-hate ko ang manahi ever since!… Hindi ako mahilig magpaturo o magpatulong sa nanay ko nung nag aaral pa ako, pero pag mga pananahi, ang nanay ko ang gumagawa ng projects ko. :)) Pero itatanong nyo siguro kung ano ang naisipan ko at nag cross stitch ako :-/ Bata pa lang ako gusto ko ng mag-drawing o mag-paint pero hindi ako sanay gumawa ng maganda so I decided na mag cross stitch na lang, parang ikaw na rin kase ang gumuhit nun sa pagtatahi nga lang… :)

Actually, nakalimutan ko na nga ang ginagawa kong ito, pinaalala lang ng aking asawa. Nang sinimulan ko kasing gawin ito, bigla naman akong na hooked sa pag-aaral ng Photoshop para sa aking scrapbook… Nataon din na matagal kaming nauwi sa Pilipinas dahil nga nagkasakit ang asawa ko… Nagkaron din kame ng bagong mga libangan dito kaya muntik na talagang bumaon sa limot ang aking another work of artE. :))

Pagkatapos naman pala sumakit ang aking likod e rewarding naman itong makita… Mas ma-appreciate mo yung image kung tapos na. Wag mo nga lang titingnan ang likod. :)) Sa aming bakasyon sa Pilipinas sa August, iuuwi ko na din sya at duon ko na ipapa-frame at sana magamit… :)