Almond Cookies?

Yes, another experiment… almond cookies. :) I got my recipe from a food blogger in HK. Yung baked cookies nya mukhang ang sarap, pero yung sa aking ang tabang. :( Nung na-prepare ko pa lng yung ingredients medyo nagduda na ako na baka matabang, ang liit kase ng ratio ng sugar sa flour to think na hindi naman ganun katamis ang icing sugar. :-/ Anyway, if you’re diabetic, this is for you! :))

Cookies

Acupuncture…

Maaga pa lamang ay nagpunta na kame sa Raffles Hospital ng aking asawa… Naka-schedule kase siya ng 10AM check-up sa Traditional Chinese Medicine Physician. O di ba, Chinese Medicine naman kame ngayon. :)

Actually, pumasok lang sa isip namin ‘to dahil na din sa kaibigan ng asawa ko na nagpapa-acupressure sa Pilipinas dahil sa isang karamdaman. Ang latest findings ng doctor sa kanya ay nagi-improve ang kaniyang condition… Tamang tama naman at dito ay pina-practice pa din ang Traditional Chinese Medicine. Kaya naman pagbalik pa lang namin dito ay naghanap ako ng mag-acupressure sa kanya. Pero wala ako makita dahil mostly acupuncture ang na-offer dito at ang sabi pa ng isa kong clinic na napagtanungan ay pangbata lang daw ito :) … Ang sabi naman ng doctor nya from St. Luke’s ay walang problema sa kanya kung mag-seek sya ng alternative method basta make sure lang daw namin na unused needles ang gagamitin sa kanya pag nagpa-acupuncture. Sa madaling salita nakumbinsi na din ang aking asawa pero biglang nagbago ang isip… natakot yata sa karayom. :)) 

For the past weeks, toxic ang work (Pinuno X( ) kaya nahirapan sya i-cope ang stress kaya he decided to try this alternative… Before kase, having a massage is his way of relaxation pero nadala siya dahil nung last time siya nagpa-massage e nagka-shingles siya kinabukasan X( . Ewan kung nagkataon lang ba ito pero siyempre nakakadala, ang mahal pa naman tapos ganun ang nangyari… Kaya instead of having a massage, acupuncture na lang para ma-relax sya at the same time e ma-restore ang kaniyang ‘energy’. :)

After consultation with a TCM Physician, nag-start na sila sa acupuncture session… I thought hindi ako pwede manood but the physician invited me to watch the procedure. :) Medyo excited ako, first time ko makakita ng acupuncture procedure na live :)) pero sa totoo lang natatakot din ako! :-S Napanood ko kase sa isang documentary channel before sa Pilipinas nung nagpa-acupuncture yung host, ang hahaba ng karayom! :-O Promise! Pero sabi nga dun after the procedure e feeling mo na ang gaan ng katawan mo at relax ka…

I asked the Physician kung masakit ba ang procedure… Sabi nya, hindi naman daw pero syempre me sakit na mararamdaman pero wag daw ako maawa sa asawa ko dahil it’s not that painful. :(( Tinanong pa niya kung ano daw work ng asawa ko, actually she’s just confirming kung IT related daw ba nag-work asawa ko. Mukha daw kase siyang IT person. :) Ano nga ba mukha ng IT people? :-/ Ako naman daw ba ay nurse? :) Hehe. Mukha daw kase ako mabait at caring! :)) hehehe…. Actually, third time na akong napagkamalang nurse dito. :) First time is from Raffles Hospital din, isang GP Doctor at yung second time is nung bumubili ako ng juicer at pangatlo na nga siya… Naisip ko lang: 1) SOP ba sa service industry na hulaan ang trabaho ng mga tao? :-/ .Hehe. 2) Sabi pa ng asawa ko, ano ang counterpart ng TCM Physician sa atin? Albularyo ba? :))

Sandali lang naman ang procedure at hindi naman pala nakakatakot, medyo hindi naman pala kahabaan ang karayom. :)) Sabi pa ng asawa ko hindi naman daw masakit… me tingling sensation daw. :) At sabi nga nya nakaka-relax daw after… We still have 5 acupuncture sessions to attend, the next one ay this coming friday (pabaon before kame uwi sa Pilipinas :) ). Hopefully this alternative method will help my husband. :)

Acupuncture

Banana Chocolate Swirl Cake

After ayos bahay operation, na-pursue ko naman ang aking baking hobby. :D Siguro I should say na after bulukin ang saging natuloy na din ako mag-bake. :)) I got my recipe from Pat and with other bloggers here. Napaghahalo halo ko recipe nila to come up with my own recipe. :) Si Pat din ang nagsabi sa akin na bulukin ang saging! Hehe. Actually hindi pa naman sya bulok, malapit pa lang… yun tipo bang malambot na at umaamoy na. :)

Kanina after lunch nagpunta pa ako sa IKEA dahil sa pabili ng asawa ko at syempre dahil na din para balikan yung nagustuhan ko na Double Purpose Spring Form Pan. Yun kase ang gusto kong gamitin sa aking cake. :) You may be wondering kung bakit hindi ko pa binili kahapon. :-/ Actually, gusto ko na nga sya bilhin hindi ko lang ma-imagine kung pano gamitin. Hehe. Kagabi ko lang na-visualize dahil na rin sa nakita ko sa Takashimaya na Pan at hindi ko rin kase nabasa na double purpose pala yung spring form pan na yun. :)) To cut the story short, binalikan ko talaga siya para makapag-bake na ako! Ang tagal ko na naghihintay mabulok ang saging! Sa totoo lang, inip na inip na ako mabulok ang saging at ng masimulan na ang aking experiment. :D

This is my second cake na na-bake… yung una carrot cake. Palpak! Ang bigat sa tiyan at literal sya na mabigat! Nakuha ko lang kase ang recipe sa internet through google search, mas ok pala pag sa fellow blogger galing ang recipe… Katulad nga nitong aking banana cake. :) Eto, masasabi ko na masarap siya (love your own :)) ) medyo malambot nga lang… Ok na din dahil gusto ko malambot (love your own talaga :)) ). Naalala ko tuloy nung bata pa ako, tuwing recess sa school, banana cake ang binibili ko (no choice :-S ) dahil gusto ko yung lasa nya kahit ang tigas! Yung tipo bang walang egg at sobrang dry. :D Gusto ko din kase yung amoy ng banana pag sa cake pero sa totoo lang hindi ako kumakain ng saging.:-? Basta hindi ko sya gusto kainin… Pero dahil nga sa last time kumain ako ng banana split with chocolate dip, na-appreciate ko yung banana pag na-dip sa chocolate. Ang sarap! Nag-blend yung lasa nilang dalawa. Kaya nga naisip ko na siguro masarap na instead of banana lang sa banana cake why not add chocolate swirl. Yung parang marble cake ba na style. :D Thanks talaga sa mga generous bloggers na nag-share ng kanilang recipe at sa tip ni Pat na bulukin ang saging. :)

bananacake

Operation Ayos Bahay

Nung isang gabi naisipan namin ng asawa ko na ayusin ang aming tinitirhan dito, lagyan ba ng konting arte ang bahay. :D Nakatira kase kame sa isang service apartment, kumpleto sa lahat ng gamit at may housekeeping every other day kaya hindi namin problema ang paglilinis ng bahay… Pero napaka-pale ng aming bahay, parang hindi organize (hindi talaga :) ) at feeling namin kulang sa buhay lalo na sa arte. :)) At isa pa na-influenced kase kame ni Ms. Marge (officemate ng asawa ko na Ninang namin sa kasal), nung nakaraang gabi kase galing kame sa unit nya. Nakaka-relax at ma-feel mo na at home ka dahil madaming arte at may mga plants pa (at dahil na rin sa libreng merienda). :))

Bilang panimula sa operation ayos bahay ay nilinis ng asawa ko ang living room at sa akin naman ang kitchen. Kinabukasan naman ay nagpunta ako sa IKEA (Home Furnishings Store) para bumili ng mga organizer na bilin ng aking asawa at syempre pa baking equipments na din at iba pang mga gamit arte. It’s my third time going to IKEA pero first time ko na ako lang mag-isa… Naalala ko tuloy nung first time na punta namin, sa Eastern Part pa kame nakatira kaya nag-bus kame dahil medyo malayo nga at gusto ko din matutunan magpunta using public transpo para sa mga susunod na pagkakataon. Ang tagal namin sa bus, at ang tanging landmark na alam ko ay sa dulo ng Bukit Merah kame bababa. :)) Hay naku! ang haba pala ng Bukit Merah at naisip ko lang pano ko malalaman kung alin ang dulo? :-/ Syempre, pag lumagpas! :)) Hehe! Sa kabutihang palad hindi naman kame lumagpas! (Nakita ko kase ang bubong ng IKEA) :)) Nung second time naman, dito na kame galing sa tinitirhan namin ngayon… sa Central Area na kame kaya basically malapit na. Pero nag-bus pa din kame, tamang tama kase na dumadaan mismo sa tapat ng IKEA yung bus na galing dito. Hay naku naman pala sa layo! As in feeling ko talaga na ikot-ikot pa yung bus (hindi lang pala feeling, totoo talaga!). :) So nung ako na lang mag-isa nag pupunta, pinag-aralan ko talaga mabuti ang bus route… Dalawa kase yung bus na galing dito na dumadaan sa IKEA, mas konti pala yung hihintuan nung isang bus kaya dun ako sumakay. Habang nasa biyahe ako, syempre lilinga-linga ako sa paligid, mahirap na yata maligaw. :)) Feeling ko nalampas na ako (nakita ko na naman kase sa kabilang street yung bubong ng IKEA :)) ) pero syempre hindi pa din ako bumaba. Sabi kase sa mapa sa tapat ng IKEA dumadaan yung bus. Kaya naisip ko bahala tutal pag lumagpas ako, babalik din naman yung bus sa me bahay namin. :) Sa wakas, nakarating din ako ng IKEA na hindi lumagpas at naligaw. :)) Pag dating ko pa lang sa IKEA, natuwa na ako, ang daming gamit at ang cute. Naalala ko tuloy ang aming mini-home sa Makati na up to now ay hindi pa namin naaayos. :( Feeling ko tuloy gusto ko na dito tumira para makabili na ako ng mga gamit na maganda pati mga kitchen utensils, glass wares at kung ano-ano pa. :) Ang tagal ko ding nag-ikot at madami din naman akong nabili; storage box, flower vase, lalagyan ng candies, picture frames, bookends, tea candles, peeler, pizza slicer at baking pan. :) Nakabili din pala ako ng isang indoor plant. :) Madami na din akong bitbit at mabigat ha kaya naisipan ko na mag-taxi na dahil malapit nga lang ito sa bahay namin. Nung nagtaxi ako, nakita ko na malapit lang talaga siya sa amin, isang diretso lang halos! :)) Pero ayos na din, hindi naman ako naligaw at isa pa nakaikot ako, hmp. :-?

Tamang tama naman nung umuwi ako tapos na maglinis yung housekeeping kaya ganado akong ayusin agad ang aking mga pinamili… Yung pictures nilagay ko na sa frame, diniligan ko na din yung halaman at yung vase nilagyan ko na ng flowers. Kakatuwa naman ang ayos na ng bahay namin… Pagdating naman ng asawa ko, inaayos nya yung table sa aming room. Kulang pa pala yung nabili ko na organizer, dapat pala bumili din ako para sa mga drawer ng table namin para maayos talaga… Ito na naman ang aking bagong assignment sa aking asawa, ang bumalik sa IKEA! :)

Kaya naman maaga pa lamang ay nag-ayos na ako para nga sana pumunta ng Orchard at pagkatapos ay sa IKEA ulit… Orchard dahil gusto kong tingnan kung mas mura at maganda ang mga baking pans duon. Sa kasamaang palad, ang lakas ng ulan! Ayoko pa naman umalis ng umuulan! :( Nagpatila muna ako ng ulan… alas dos na umuulan pa din pero medyo ambon na lang kaya hindi ko na napigil ang aking sarili na sumugod sa Orchard. :)) Nakabili naman ako ng ilang bagay na pabili ng asawa ko at wire whisk para sa i-bake ko na Banana Chocolate Swirl Bread. Hindi ko kase nadala yung mixer namin dito, actually hindi ko siya makita dahil nga naglipat kame ng gamit. :) Ang mahal pala ng wire whisk, sa totoo lang half the price siya ng mga mixers ha! :-O Buti na lang meron akong nakita na isang medyo mura… :))

Bukas, paghindi umulan at hindi ako na-excite magbake baka sakaling bumalik ulit ako sa IKEA. :) Kulang pa daw kame ng organizer… Feeling organize na talaga kame! :) Sabi nga ng asawa ko, baka magtaka daw yung housekeeping sa aming house ngayon. Baka isipin nila, hindi na kame ang nag-occupy ng unit namin. :))

Home

The Best Banana Split Ever!

Friday na naman, ang bilis talaga ng araw… Ilang araw na lang at balik Pilipinas na ulit sila Nay at Tay. Kaya naman kanina ay bumili na sila ng pasalubong sa Orchard. Nagmamadali kaming mag-shopping dahil nagpa-book ako sa Duck Tours para sa kanilang dalawa at 3:45 PM. Silang dalawa na lamang ang pinasakay ko at naiwan na lang ako para sana maglibot pero hindi ko din nagawa dahil sa ang bigat ng mga dala nila na iniwan sa akin… Kaya naman naisipan ko na lamang na maupo at magpahinga habang hinhintay sila… :(

Sa Andersen’s ako napadpad… Ito kase ang pinakamalapit na pwede kong paghintayan at tamang tama ang ice cream sa mainit na panahon. :) Hindi ako mahilig sa banana pero ito ang napili kong kainin dahil sa mukhang masarap lalo na pag na-dip ang banana sa chocolate. :D Well, tama nga ako! Promise ang sarap nya! Pero every bite talaga ma-guilty ka sa calories! Bukod kase sa two scoops of ice cream, me whipped cream at chocolate dip pa. :)

For me, eto ang best banana split I ever had! I really love it… minus the calories! :-/

Ice Cream

Our New ‘Doggy’ Bank…

Last Saturday nagpunta kame sa mall ng aking asawa para sana magkaroon na naman ng another session of photo shoot sa Sentosa, sa kasamaang palad hindi kame natuloy dahil sa hindi maganda ang panahon. Kaya naglunch na lang kame at nag-ikot ikot ng kaunti before umuwi… As usual wala na naman kame planong mag shop, serious na talaga ang pagtitipid this time. :)) Kasama sa pagtitipid na ito ang pagpuno sa aking alkansya…

Nagsimula akong mag alkansya early this year para sana sa Christmas, pangbili ng gifts… Si Hello Kitty. :) Isa siyang improvised alkansya, actually lalagyan sya ng biscuit. :)) Pero maganda kase at malaki, me zipper pa nga… Pero ayaw ng asawa ko dahil kailangan pa daw niya kuhanin sa cabinet (nakatago kase) at tanggalin ang lock before makapaghulog. Hindi daw tuloy siya ginaganahan maghulog dito. :-/ Kaya naman bumili na kame ng aming bagong alkansya bilang pamalit kay Hello Kitty… Si Doggy Aw-Aw. :) Isang Green Dog with mathching kahol everytime na maghulog ka sa kanya. :)) Promise, ang cute! Hehe. :) 

Sana makuha sa kahol ni Doggy ang aking asawa para ganahan na ito magbigay pugay (maghulog) sa kanya since malapit na ang Christmas… :))