Obsessed Baker’s Diary
Few more days and we’ll be home in Manila… kaya naman super bake ako.
Actually, gusto ko lang talaga mag-bake kahit na I’m not fond of those sweet goods.
Well, my husband is there na kailangan magpataba.
I started my week by baking my Almond Cookies for diabetic
nung Monday; Tuesday, tinulungan ko si Pat mag-bake ng cake for her BF’s birthday; Wednesday, brownies for Alvin (tagal na hiling sa akin ‘to)
and now ay in-process pa ang aking banana chocolate swirl cake. ![]()
My Monday is not a very good day for me… Alam mo naman, naging palpak ang aking Almond Cookies.
Pero my husband is very understanding that’s why pinagtyatyagaan nya kainin ito.
Actually, sabi naman niya masarap daw pero matabang… ![]()
Tuesday is a very funny day.
Kakatawa ang aming learning experience ni Pat… Hapon na ng magsimula kame mag-bake ng Banana Cake, di kame aware na aabutin pala kame ng magdamag! Hindi naman kame nagkaproblema sa baking pero pagdating sa design ang dami re-work.
One more thing, nakalimutan namin i-grease ang pan kaya naging uka-uka ng gilid ng cake. With the bottom, hindi ko na alam kung ano nangyari dahil yung bottom part ng pan ay hindi na namin tinanggal sa takot mabiyak ang cake.
Sa design stage naman, ang aming unang trial ng frosting ay palpak! Super tamis! Ang nabili nya kasing chocolate ay hindi unsweetened, so nung nag add kame ng icing sugar, nasobrahan sa tamis! Kaya repeat process kame this time hindi na namin nilagyan ng sugar.
Ok naman ang lumabas, naging mukhang chocolate cake.
Natapalan na din namin ang mga uka sa gilid ng cake.
Pero mukhang nilusak na cake ang aming nagawa.
Brown lang talaga at wala kameng maisip na design dahil wala kame iba color ng chocolates at frosting. Napasugod pa tuloy kame sa Cold Storage para bumili ng Strawberry at colored sprinklers.
Pagdating sa bahay isip na naman kame ng design, buti na lamang at meron kaming consultant, ang aking asawa.
Siya ang taga bigay sa amin ng mga ideas na pwede namin gawin… Napagdesisyunan na lang namin na lagyan nya ng sliced strawberries ang gilid ng cake… Pandagdag ba sa tapal sa mga uka.
After nun, ok na… nagkaporma na.
Pero yung top naman sobrang bare… Habang ako ay gumagawa ng frosting, si Pat ay naman ay sige pa din sa pag-design, nilagyan nya ng colored sprinkle ang gilid ng cake. Nung nakita ng aming consultant, natawa na lamang siya dahil ginawa daw niyang bata at bading ang kanyang BF.
Kaya hayun, tinanggal nya isa isa ang colored sprinkle.
Ang daming suggestion ng aming consultant, para daw magkaroon ng ibang color, lagyan daw namin ng icing sugar, ng nuts o ng curled white chocolates.
Ang kaniyang nagustuhan ay white chocolate pero sa kamalasan, isang piraso na lang pala yung white chocolate namin sa bahay, yung bite size pa ha!
Nuts na lang daw, pero yung nuts niya ay hindi roasted pero buti na lamang at meron pa ako dito sa bahay para sa aking impromptu baking.
Mag-12 AM na ng kami ay matapos, pero it’s all worth it naman. Promis, ang ganda ng kinalabasan (para man lang sa aming pawis). ![]()
Wenesday, medyo ok.
Brownies ang aking baked goodies… Matagal na kase itong hiling ng aking asawa.
I followed the instruction sa likod ng box ng chocolate bar.
Medyo natatamisan ako pero sabi ng asawa ko at ng office mates niya, ok naman daw ang level of sweetness.
Plano ko pa nga sanang lagyan ng chocolate drizzle pero hindi ko na nga nagawa dahil baka sumobra nga ang tamis. ![]()
Today, Thursday… Banana Cake.
Medyo kinakabahan pa ako… Na-try ko kase na i-reduce by half ang ingredients since nung first time medyo apaw sa pan pero sa kasamaang palad, nadagdagan ko ang buttermilk!
That’s why naghabol ako ng dry ingredients… Ewan kung ano ang lasa pero sana ok pa din… ![]()
Tomorrow, Friday… Last shopping day para sa mga pasalubong at pabili kaya no time para mag-bake.
Wala pa din ako na-empake kahit ano…
Di bale, konti lang naman ang dalin naming damit dahil two weeks lang ang aming bakasyon. ![]()
For sure, I’ll miss my baking time…
Ang goal ko kase is dapat once a week ay meron akong new recipe na na-try. ![]()