Missing Home…

We’ve been here for almost two months… Strange dahil I miss home though literally we’re home! Maybe because it’s not planned that we’ll be staying here for quite a long time… and for the same reason na we’re here hindi dahil bakasyon but because of some unwanted condition… The original plan was only two weeks kaya naman ilan piraso lang ang dala naming damit ng asawa ko. =)

Katulad nga ng sinasabi ko palagi sa mga friends ko, kung meron man kaming nami-miss sa Pilipinas ay yun ang mga mahal namin sa buhay na naiwan dito… Aside from that wala naman masyado pero siyempre there’s no place like home! :) Kung dati ay nangungulit ang aking nanay na mag webcam kame para magkita,  ngayon siguro ay sawa na ang aking nanay sa amin ng asawa ko. :)) Tagal na din naming border dito, yun nga lang sandali lang kame nakumpleto… Ngayon naman ay si Loleeta naman ang nawala, training siya ngayon sa isang ’probinsya’ sa China. :)) Kaka-miss din si Lolee, kahit na nga ba puro kain, tulog at diet kuno ang aming routine dito sa bahay! :)

Naalala ko pa before kame umuwi, nakalista na kung ano yung mga namimiss namin foods, para yun ang kakainin namin… Pero ngayon, sawa na kame sa mga fast foods at yung mga na-crave namin na foods! Pano ba naman, one week kame nag-stay sa aming mini house kaya puro kame pa-deliver ng foods dahil hindi nga kumpleto ang mga gamit namin doon! Ayun, nasawa na kame sa pagkain… kaya naman nung bumalik ulit kame sa Nanay ko, na-miss namin ang lutong bahay! :)) Ngayon naman, i miss my cooking and baking experimentation. :) Ang dami ko na gusto i-bake at gusto ko na ding mag attend ng short time cooking/baking lessons… Malapit na kase ang pasko, feeling ko lang mas maganda ipambigay ang homemade goodies sa aming friends for Christmas. :)

Hopefully, we’ll be back sa aming ’second home’ by second week of October… Dun na kame mag Christmas at mag New Year. Sana lang madalaw ulit kame ng Nanay at Tatay ko…