Alvin’s Birthday!

 Bday

It’s my baby’s birthday…. Few weeks ahead pa lang nagpa-plano na ako kung pano namin i-celebrate ang birthday nya. Kung lalabas kme o maghahanda sa bahay. Since kinabukasan ay may office sya, we decided na maghanda na lang dito sa bahay. :) Actually, it’s just a ’special’ dinner. Special hindi dahil sa handa pero syempre dahil sa birthday ng asawa ko… Pansit naman ang niluto ko (pampahaba ng buhay :) ), christmas kse ay spaghetti kme tapos nung anniversary ay carbonara. Special request din nya ang pansit. :) Sa totoo lang hindi ako marunong magluto ng pansit. :)) Ilang beses na ako nag-try pero hindi kse maganda yung noodles na nabibili ko :( … Kaya naman maaga pa lang ay nagluto na agad ako ng pansit, if ever na hindi man masarap, makakapagluto pa ako ng spaghetti! :)) Salamat naman at masarap, bee-hon na ang binili ko (Hinanap ko na talaga ung hindi Intsik ang sulat). :)) Ang dami kseng noodles dito, magkakamukha pa…. hindi katulad sa Pilipinas. :) Super follow din ako sa procedures, sa cold water pala sya binababad. Sa Pilipinas kse basta sa tubig mo ibabad, pwede na yun. Ganun pa din ang lasa at kakalabasan… Nagluto din ako ng lechon kawali, favorite din nya kse ‘to. :) Syempre hindi kompleto ang birthday kung walang cake. Hindi na ako nagpaka-baker, bumili na lang ako. :) Bumili din ako ng ice cream, soft drinks at wine (binili namin for Christmas sana).

Simple man ang aming birthday celebration we’re so thankful that he’s doing great kahit na last year ay ang dalas nya magkasakit at nag undergo pa sya ng operation… So many reasons para mag-celebrate at magpasalamat! :) We’re praying na sana continous na yung paggaling nya at sana lahat ng hopes, wishes and prayers nya ay ma-grant. :) 

Happy New Year!

Second New Year Celebration na namin dito ng asawa ko, away from my family… I remember, yung nanay ko madaming ritwal pag bagong taon. Hindi sya umaalis ng bahay (eve of new year) dahil hindi daw maganda na walang tao sa bahay sa pagpapalit ng taon… Kumpleto ng prutas sa bahay, 13 fruits. Minsan kulang pero gagawan ng paraan to the point na maski itlog e bilangin as bilog (though bilog naman talaga) sa mesa. :D …Pag suot ng bagong damit na polka dots :) , swerte daw e… Pagsabit ng pera sa bawat pinto ng bahay. :) Since bata ako, ganito na sa bahay namin. Kaya nakakapanibago din…

Just like last year, we decided na manood ng New Year’s Countdown sa Marina… Before manood, we had a very simple dinner at home. Hindi na ako nagluto, bumili na lang ako ng Crispy Pata at Pansit. Bumili din ako ng ilang prutas kahit tig-isang piraso lang… Since we always have apples and oranges sa bahay, bumili na lang ako ng pandagdag na fruits: pomegranate at passion fruit (hindi ko pa kse to natitikman :) ). Ang prutas lang namin ay oranges, apples, longgan, mangosteen, pomegranate, passion fruit, pears and persimon (uwi ng asawa ko galing sa office nya; hindi pa din kse namin ‘to natitikman :) ). Kulang pa din! :D Madami pa sana fruits available kaya lang hindi na ako bumili, sayang naman kse dahil hindi naman makakain. :) For the sake na me bilog lang sa mesa talaga. :))

With or without the traditional New Year’s Celebration katulad ng sa Pilipinas, we’re praying na 2008 will be a very prosperous and happy year for us and for our families. :)

New_Year

Our 2nd Year Wedding Anniversary!

Ang bilis ng panahon… two years na kme mag asawa ni Tots. :D Syempre, excited pa din kme mag-celebrate… November pa lang bumili na kme ng isang gift na para sa aming dalawa, excited talaga. :)) Usapan na din namin na wala ng bigayan ng gift dahil nga nakabili na kme…

Pero hindi ko napigilan na kahit small thing lang ay bigyan sya… Naalala ko pa nung naghahanap kme ng gift para sa gift grabbing, nakakita ako ng snowball / water globe (whatever!) na Precious Moments. It reminds me of Us… Our dream of growing old together (though hindi naman oldies ang nasa loob). :)) Kaya naman binili ko at bumili na din ako ng greeting card. Syempre, excited na naman ako kaya naman nung gabi ding iyon ay ibinigay ko na sa kanya ang ’surprise gift’ ko (hindi ko na talaga naantay!). :))

12AM of December 28, after mag-pray binuksan ng asawa ko ang ilaw… Ibinigay nya sa akin ang gift nya. :D Nakakatuwa naman, na-surprise ako! As in hindi ko expected… :)

We celebrated our day in a very simple way, dinner lang sa bahay… I cooked (as always) his new favorite, Carbonara at syempre bilang isang baker nag-bake ako ng cake. :) New recipe; medyo palpak (parang brownies e!) pero pwede na din daw. :))  

Though it was just a simple celebration, we’re so happy and thankful na we’re still together kahit na ang daming unfavorable things na dumating sa amin this year… With the help and grace of God we hope and pray that the coming years will be much better; more blessings, love, joy, good health and happines… :) At syempre we’re looking forward to spend more anniversaries together. :)

Wedding_Anniversary2

Gift Grabbing

Alvin, Pat, Edward and I had our Christmas Party in Hooters. :) Over night planning, naisipan lang while having dinner in our home. :)) After church nagpunta na kme sa Orchard para bumili ng gifts for our gift grabbing, galit galit muna para walang alaman ng gifts. :)) Our budget is S$20… Mahirap din pala bumili. Original plan is one hour lang ang time para bumili pero syempre na-hook kme ni Pat sa pag shopping… Nakalimutan na ang gifts kaya papadilim na din ng makauwi kme. :D

giftgrab

After dinner nag-start na ang much awaited gift grabbing. :) Ang mechanics ng gift grabbing ay pagsasamasamahin ang lahat ng regalo at magbubunutan kung sino ang unang pipili ng gift, hindi pwedeng piliin ang sariling gift. :) Ang pangalawang pipili naman any pwede nyang i-grab ang gift napili na. Katulad ng sa amin, si Edward ang unang pumili ng gift, ang pangalawa ay si Alvin. Na-grab ni Alvin ang gift na napili ni Edward kaya si Edward ulit ang pumili ng regalo. :) Mapupunta lang sayo ang gift kung ito ay pangatlong touch o pili na at sa wakas pwede mo na rin itong buksan. :D 

I got Alvin’s gift… Alvin got Pat’s gift…

alvin.sheila

Pat got Edward’s gift… Edward got my gift…

edward.pat

Christmas Goodies

It took me two days to finish these christmas goodies for my husband’s  colleagues. :D … It’s my all time favorite (tried and tested :)) )Chocolate Chip Cookies.

christmas.goodies

My First Cake

My husband asked me to bake something for their  CS Technical Support Team Christmas Party… this is my first cake intended for public consumption! :)) 

I’m glad they liked my cake. :D I really hope so… :)  

Cake

Addict!

My husband is really hooked on his new toy… :D

Tots

Serious pa talaga yan ha. :))