Moving Out

We’re here for almost two years now at nakakadalawang bahay na kame ngayon at lilipat na naman… Sobrang laki na kse ng tinaas ng bayad sa Apartment dito… Yung tinitirhan namin ngayon e S$6,000+ na daw ang rent… Kaya naman nagdecide na yung Office ng asawa ko na ilipat sila… Ang lungkot! :( 

Una, ang dami naming gamit na ililipat! Bawal pa naman magbuhat ng mabigat si Alvin, meaning ako ang magbubuhat! :-?

Pangalawa, ang ganda ng location ng bahay namin ngayon, Central Area. Strategically located talaga… Malapit kame sa lahat ng pasyalan dito sa Singapore… We’re walking distance in Clarke Quay, one bus ride going to Marina Square / Suntec, Vivo City and Orchard yun nga lang malayo sa Changi Business Park na office ni Alvin. :) Hay, ang Orchard! My favorite place! :)) I remember nung nasa Fort Road pa kame, ang pinupuntahan lang namin madalas is Parkway Parade at Suntec! :) Sobra bihira kame sa Orchard kahit na one bus ride lang. Medyo malayo din kse at nakakatamad lalo na kung wala ka naman bibilhin. Nagpunta nga lang ako dun nun kinuha ko yung Vaio ni Alvin na pinagawa sa Sony Service Center sa Wisma Atria… Unlike ngayon na sobra lapit, four bus stop lang andun ka na at dun ka mismo bababa sa likod ng Takashimaya… Pag tinatamad maglakad, ok lang din ang taxi dahil ang lapit nga lang… I remember yung asawa ng Ninang namin ni Alvin, sa Orchard pa bumubili ng tinapay kahit na me 7-11 dito at Cold Storage! :))

Pangatlo, hindi na ako maging baker dun! :(( Though I’m not sure pa din kung me oven sa house. Fully furnished naman daw sya pero baka nga wala din like sa una naming bahay… hindi na din sya Serviced Apartment… Ako na ang maglilinis ng bahay… Hindi pa naman uso ang walis tambo dito! Hehe. :)

Sa February 23 na kame lilipat, dun na ako mag-celebrate ng Birthday ko. :) We’ll just miss this place… In fairness naman sa lilipatan namin, malapit sya sa work ni Alvin at sa East Coast… fresh na naman ang hangin dun pero sana naman hindi rinig ang mga eroplano since malapit sya sa Airport na katulad dati sa Fort Road. May malaking swimming pool na din at barbeque pit unlike ngayon na sa UE Square pa kme pupunta kaya lang wala yatang gym. Ayaw yata talaga akong papayatin! :))

Malungkot man kame sa pag alis dito masaya pa din kame ng asawa ko na magkasama pa din kame na lilipat ng bahay. After all, yun naman ang importante. :)