After one week of packing things (packed eleven boxes) nakalipat na din kame!
Hay, kakapagod! Last night I told my husband that when we got married, four times na ako nalipat ng bahay (including yung pag moved in ko to his place). Actually five times pa pala! Nung lumipat kme ng condo na inayawan nya after at nauwi kame sa bahay ng parents ko… yung gamit lang pala namin! 

Dito na kme sa eastern part of Singapore… Ang layo na sa favorite place ko, sa Orchard!
Tahimik ng lugar, para kang nasa Exclusive Subdivision sa Pinas… Medyo maliit din yun napunta sa amin na bahay pero ok lang since dalawa lang naman kme at ako na ang maglilinis ng bahay. Di pa naman uso ang walis tambo dito!
Sad lang dahil sa CR (Toilet) at sa Kitchen. Favorite pa naman ni Alvin ang CR sa bahay at ako naman yung Kitchen… How ironic, pero hindi plus point sa amin ang bath tub, ayaw nga namin ng bath tub.
Kme kase ng asawa ko mas gusto namin na yun shower sa CR e me enclosure than direct ka sa bath tub mag shower. Kakatakot kse madulas lalo na pag mag isa lang ako (dalas ko pa naman madulas at matapilok
). Sa mga naging bahay nga namin dito sa Singapore, lahat me bath tub pero hindi namin ginagamit… Kung dadalawin din pala kme ng mang Nanay ko, feeling ko mahirapan din sya maligo, ang taas kse ng bath tub sa isang CR! …In fairness naman sa kitchen, maganda naman yun gamit dito, bagong bago pa nga yung oven, mukhang hindi pa gamit! Kaya naman nung nakita ko agad natuwa ako!
Nung nag aayos lang ako ng mga gamit na-realized ko na though malaki yung kitchen hindi na-maximize yung space. Yung drawer ang baba ng height, wala tuloy masyado mailagay. Yung mga cabinet naman ang tataas! Kailangan pa talaga ng silya para maabot mo yung mga nilagay mo na gamit… Sad lang, pangarap ko pa naman ng magandang kitchen. 
Nag adjust pa kme sa new place, we’re starting to explore the place… Sabi nila malapit daw ‘to sa MRT. Na-try naman ng asawa ko mag MRT going to his office, sabi niya ang layo daw ng lalakadin! It took him 45mins. para makapunta sa office nila.
Wala kse dumadaan na taxi sa tapat ng bahay namin kaya no choice sya kungdi maglakad ng medyo malayo before makasakay ng MRT o Taxi. Bakit kse hindi uso dito tricycle?
… Sa grocery naman, ang pinakamalapit dito is yung sa Parkway Parade, medyo malayo din… compared sa last na tinirhan namin na ang daming grocery stores at hindi ka magugutom dun dahil paglabas mo ng apartment dami na restaurant! Yung nga lang ubos naman ang pera mo. 
Syempre kung me downside man ‘to ang magandang part naman is malaki na yung swimming pool… tahimik ang lugar, layo na kse sa mga gimikan… tuwa siguro ng asawa ko, malayo na ako sa shopping malls!
Malaki na ang matitipid nya.
Malaki na din ang drying area (sampayan), though provided naman ang dryer. Hindi lang kase ako palagamit ng dryer unless towel at bedsheet ang lalabahan ko. Umuurong kse yung mga damit namin, feeling ko tuloy tumataba ako!
… Ang pinakaimportante syempre ay magkasama pa din kame dito at isa pa we’re starting to realize kung ano ang gusto namin sa bahay namin.
By year 2009 siguro makaklipat na kme sa bahay namin sa Pilipinas.
Better nga sana kung mas matagal pa para mas mapag-ipunan pa namin.
That house ma-implement na namin yung details na gusto namin…
Kaya from now on, nalilista namin yung mga ayaw at gusto namin para sa design ng bahay namin.
Huling hakot na kaya namin yun?



