April 28, 2008 — 28 Months Married!

Yes, we’re 28 months married na! :x Bilis talaga ng panahon… :) I made an extra effort na maghanda ng konti for our anniversary, 28 months na kse. :) Puro eight, swerte daw according to Chinese (feeling Chinese :)) ). Tsaka matagal pa yung kasunod na 28 years. ;))

We’re just praying na all our dreams will come true… that we’ll have a blissful married life… spend more happy years together. :)

28M

Dinner Time

Last night, Alvin and I shared a wonderful dinner (as always). :) As promised, I will post our ‘tuyo’ experience once maulit… Sarap talaga, fried rice and tuyo with salted eggs and tomatoes. ;;) This time, I bought the salted eggs na sa Grocery sa PP at $1.60 for 4. Sa Lucky Plaza, $4 for 3! Sobra ang mahal ha… color red kse. :))

As usual, sira na naman ang diet ko! Si Alvin din ang dami nakain… I miss my Lolee tuloy, nga nya we love ‘purito’ foods! :)

Tuyo

Shopping Galore

After Church, Tots and I decided na mag quick lunch sa Parkway Parade and uwi na din after… Ang plan lang namin ay bumili lang ng baon nya sa office. Marks&SpencerFavorite nya yung mga cookies sa Marks and Spencer. :) Since hindi na nya ka-grupo si Pam (officemate nya na may supply ng Marks & Spencer Cookies :)) ) kaya I should buy him na his own cookies… :)  After bumili ng cookies, nakita nya yung foot massage parlor kaya naisipan naman nya magpamasahe at ako daw ay maglibot muna. :) Pero before that punta muna daw kame sa Book Store para may babasahin sya habang nag hihintay. Book Store is one of our favorite shop here, I even want to have my own book store sa Manila! :) Natutuwa din ako sa mga ballpen na iba iba yung colors, highlighter at kung ano ano pa na makukulay na pangsulat… Ang dami na naman naming nabili. Iba na naman ang trip namin ngayon, educational na. :)) Unlike before na puro damit talaga…

Alvin got Photography book and I bought a magazine, pocket book and an art book. I want to start learning yung painting using pastel color. :) Eversince gusto ko na mag-paint and up to now gusto ko pa rin sya. :) Since I am not gifted sa pag paint, kailangan ko talaga mag aral at ng matuto. :)

Books

Book2

Hindi pa kame nakuntento sa Parkway Parade, lumipat pa kame sa Suntec para bumili ng materials for my Pastel Painting. :)) Si Alvin naman, dun na sa Suntec nagpamasahe since hindi na sya na accomodate sa Parkway Parade dahil puno na. :)

Gosh, we’re so into Arts… Arte! :))

My iPod

iPodGot this first generation iPod na sobra bihira ko gamitin… :) Sabi ko nga sa asawa ko, wag na kame bumili… nagandahan lang sya, nainggit kse kame kay Lolee. :)) Pero malas, after a week naglabas ng bagong iPod! Haaayyy! Mas namura pa… :(

Tagal ko hinanap nito, nakalimutan ko na kse kung saan ko nalagay… At syempre, kay Tots ko hinahanap:)) , dinadala nya kse minsan sa office. It’s a conjugal property, hiraman kme. :))

I told my husband I’ll use this na pag nag jogging na ako. :)

Meidi-ya Voucher

After spending $713 and acquring 713 points in Meidi-ya (since last year :-/ ) , I was given a $5 Voucher. By the way, I acquired my membership card for $2. :))

Voucher

For your info :

Singapore MEIDI-YA Supermarket is the second overseas branch of MEIDI-YA following the first store in Amsterdam, Holland. Our motion “More Than Just Freshness” refers not only to the freshness and delicious taste of our food but also to our excellent service for a most satisfactory shopping experience.

Meidi-ya

At Meidi-ya you can find $85 watermelon! :)) Most of their fruits came from Japan, kaya super mahal. :)) Naalala ko sa Pilipinas, Fuji Apple ang mahal na apple. Kala ko tuloy galing sya ng Japan, Hello! Fuji kse. :)) Fuji Apple pala is from China… The Japanese Apple pala is pink in color, parang rosy cheeks. Hehe:)

Up to now, sa Meidi-ya pa din kame bumibili ng meat and poultry products namin… It’s a bit pricey compared to other supermarkets pero fresh kse yun tinda nila at ang linis ng pagkaka-pack. :)

Bath & Body Works

I love Bath & Body Works Body Splash… So refreshing! I’m not very fond of sweet smelling scents at yung matatapang na scents, nahihilo kse ako… I like scents na ang base note is citrus. :)

Some of my favorites, though yung iba hindi ko pa na-try. Feeling ko lang mabango. :)) I super love this, aside sa mura lang (compared to designer scents) ang bango bango talaga. :) Kaya, Lolee padalhan mo ako nito, paluwalan mo muna. Hehe. :)

BBW

 

 

Pinoy Breakfast

We had garlic fried rice and tuyo with matching sawsawan na tomatoes and salted eggs for breakfast! :) Ang sarap! Na-miss namin ang tuyo! Ang daming nakain ng asawa ko pati na din ako. :)) For almost three weeks I’m cutting my carbohydrates intake, as in hindi ako nag-rice (mahal na kase ng rice :)) )! Pero this time, hindi ko na na-resist ang amoy ng tuyo. :)) Ang sarap! As in five hours na yung lumipas, feeling ko busog na busog pa din ako. :)) Hindi naman ganun kadami nakain ko, nanibago lang siguro ako…

I bought tuyo and salted eggs sa Lucky Plaza yesterday. :) At first, hesitant pa nga ako bumili dahil baka makati yung tuyo pero pabili kase yun ng asawa ko sa akin! :) Isang pack lang yung binili ko, ang liliit kse nung tuyo… :) Pero okey naman sya, ang sarap! Na-miss ko tuloy si LG! We both liked purito foods – tuyo, danggit at pusit. Pero mas malala pala sya, pati dilis na sobrang baho gustong gusto nya. :))

Dahil sa sobrang gutom, hindi ko na na-picturean ang aming breakfast. :)) Maybe next time… :)

For My Lolee… =)

Is there an instance wherein you really want something but nanghihinayang ka bilhin? :) Lalo na pag sa tingin mo ay unnecessary… Naalala ko tuloy yung office mate ko before, she told me na she likes to receive sleep wear sa monito monita. It is something that daw kse na minsan nakakahinayang bilhin. :)) If you have an extra money daw, why buy a pair of pajama instead of panglakad na damit. :) Totoo naman… Kaya I’d be happy to receive this as a gift from someone. :))

I love wearing pajamas or jogging pants sa bahay, it’s so comfortable. :) Last time when I bought cookies na baon ni Tots sa Marks and Spencer, I saw this pajama / sleepwear … Ang cute! Parang ang sarap matulog parang yung sa La Senza din… :)) 

PJ

By the way, I am writing this blog for Lolee! :)) Eto na yung uwi mo sa akin, pang Christmas at pang Birthday! :) Miss you LG! :)

Update

We moved again to another unit :), same condo so hindi na ganun kapagod maghakot but still pagod pa din! It’s a two bedroom unit but mas malaki at this time the common toilet is me shower enclosure na at isa na lang ang bath tub… :)

Gold Palm

Due to heavy rain for the past few days, natuklap ang pintura ng isang bedroom! Nagkakaroon na din ng spot of amag! Hay, suki na naman ako ng Far East Maintenance… aircon, washer, dryer at this time pati wall! :) Syempre report agad ako before amagin lahat at before matapos ang one month warranty. :) Ok naman sila kausap, aksyon kung aksyon! Sabi ko nga sa asawa ko, giniba na ang wall! :))

Dalawang Manong at nagpunta dito… Hingan ba naman ako ng le-der (ladder pala! :) ). Hindi tuloy kame nagkaintindihan, kaya nag action pa si manong kaya ko lang na-gets! :)) (Naalala ko tuloy, pagpupunta ka sa Cathay, sabihin mo sa taxi driver Ca-tey kung ayaw mong makagalitan ni Manong! :)) Pag Cineleisure naman, Cine-le-sure kung gusto mong makarating sa paroroonan mo! :)) ). It took them, almost 4 hrs para matapos, sabi ni manong nilagyan daw nila ng waterproofing yung loob at labas. Kaya wait na lang ako umulan ulit ng malakas ng masubukan… :) Mabait naman sila Manong, kaya pinainom ko ng juice at soft drinks (isa pa pagalitan ako ng asawa ko pag hindi ko inistima sila manong :) ). Wala kse na cookies man lang o tinapay ako dito sa bahay. :( Pero ok na din, since mainit ngayon ang panahon… They asked me kung Filipino daw ba ako, sabi nila Filipinos are nice. I don’t know kung yung small action ko ba ang nice o yung wedding picture namin sa salas. :) Whatever! Still, sana na-lessen yun pagod nila with the juice and soda na hinanda ko. :) …Naalala ko na naman ang bilin ng asawa ko, to offer something sa mga nag-assist sa amin dito. When we are still in Park Avenue, ang ganda ng linis ni Manang sa unit namin… Yung mga abubot nga namin sa ilalim ng sink sa bathroom inayos pa nya. Kaka-touched lang, whenever makita din nila na me sira sa bahay, sila na ang nagpapalit o tumatawag ng gagawa. :) I used to share them kse sandwhich na pinapabaon ko sa asawa ko, minsan inaabutan ko din ng cookies o cakes na gawa ko at me pasalubong sila sa akin tuwing uuwi kame ng Pilipinas. :) Na-miss ko tuloy sila Manang kahit minsan hindi kame magkaintindihan. :)

Bukas naman daw, ang pupunta dito ay yung gagawa ng washer at dryer! Sobra inis na ako sa washer at dryer namin! Minsan umaandar ang washer minsan naman hindi. Andar lang ng andar ang tubig, nalusaw na lahat ng sabon e wala man lang water sa loob ng washer! As in tuyong tuyo pa din ang damit! Yung dryer naman, aba mas mainit pa yata yung lumalabas na hangin sa likudan ksa sa loob mismo! Hindi man lang natuyo ang towel! As in spin dry pa din sya pag labas after more than an hour! :)

Hay, sana palitan na lang ng bago! Naalala ko tuloy sa Park Avenue, naka-3 palit kame ng washer! Hehe. Buti hindi pinabayaran sa amin! :)) Well, sa tatlong palit, yung isa lang naman yung malala ang kaso… Pumutok sya! Pero hindi sa akin inabutan, nung umaamoy pa lang pinatay ko na at tumawag agad ng Maintenance! Kay Manong Maintenance inabutan. :)) Bago naman yun, kaya for sure me warranty! Kaya after that incident, binigyan pa ako ng Management ng Low Sud Soap. :) Dun lang namin nalaman na pag front loading pala, low sud dapat… Pinagtataka kse namin yang nung isang Pinay na nakasama namin sa Church, na bakit ang dami ng klase ng sabon dito… :) Lesson learned! :)  

Charles & Keith Warehouse Sale

I learned from SG Forum about the Charles & Keith Warehouse Sale, na-excite naman ako. :) According to the Forum, the first day of sale is for VIP only (members) and the succeeding days ay open na for public… Ang aga ko nagpunta, 11AM andun na yata ako. :)) Mahirap na ma-late, dagsa ang mga tao pag late na at wala ka na din aabutan, sabi nga nila hindi mo daw matatalo ang mga Singaporean when it comes to sale! :) Grabe, ang dami ngang tao! Nagkita pa kme ni Pam (Alvin’s officemate), wala naman ako mabili… wala na sizes yung iba at yung mga bag naman ay hindi maganda… Pagagalitan ako ni Alvin pag bumili lang ako ng kung ano ano. :) Pipintasan pa nya! :( At first, isa lang ang nabili ko na tsinelas, naisip ko lang mas mahal pa ang pamasahe ko! Iinisin na naman ako ng asawa ko… Kaya hanap naman ako! Yung mga bagong bag na nilalagay e sobrang pinag-aagawan! As in hindi pa naalis sa plastic at hindi pa nakita e me mga kumukuha na! At hindi rin ako makasingit! Kaya hindi na ako nagpilit pang sumingit… :) Naghanap na lang ako ng tsinelas, para hindi mainis ng asawa ko! :) I bought three slip on’s for 35SGD. Sabi ko nga sa asawa ko, among the three mas mahal pa yung pamasahe ko! :)) At least hindi na nya ako aawayin sa pag agaw ko ng tsinelas nya sa bahay! :))

Sinelas