Just lately I noticed that Tots’ is nagiging mapili na with food… Nagre-request na din ng mga food na gusto nya! One time nga nag-reklamo pa, lunch and dinner na daw namin ulam yung ginisang munggo tapos ipabaon ko pa daw sa kanya sa office
. Sabi ko naman, yung partner naman iba-iba, yung isa fried chicken and yung isa is fried pork
. He told me kase before na kahit everyday daw before okay lang ang ginisang munggo dahil favorite nya yun! Naku, nagiging mapili na sya sa food! Ako yung mapili sa food, as in ayoko ng paulit ulit yung ulam and ayoko ng isa lang ang ulam
. Nasanay kase kame sa bahay before na lagi partner ang ulam
… Kaya naman yung asawa ko nagugulat sa aming pamilya before, ang dami daw naming ulam at ang lakas naming mag ulam
(ang tataba tuloy namin!).
Siya kase, sa rice malakas unlike kame na ulam ang mas marami… marami daw kasing bigas sa kanila
. Ayaw din ng asawa ko ang masyado madaming sahog sa pagkain! He also likes taba ng pork! Sa bahay namin, walang kumakain nun as in yung Nanay ko pinapaalis pa nya sa palengke… Imagine me and Lolee na hinihimay ang longganisa before just to get rid of those fats
. Now, I admit kumakain na din ako ng fats
, nahawa na ako sa asawa ko… yung sa fried pork belly lang ha. Kaya siguro tumataba na din ako
… though I’m still underweight
(labo, hehe).
Lately, he said sumasarap na daw ako magluto
! Pwede na daw pang fiesta, he’s referring sa luto ko na he requested na katulad daw sa handa sa fiesta sa baryo
! Hirap pala mag-asawa ng taga-baryo
… Maybe it’s an acquired taste, imagine yung luto ko na lang yung natitikman nya dito
! Kaya no choice kung hindi ang makasanayan nya! 
Last time, he requested for spaghetti…
I only cook spaghetti for special occasion and since spaghetti is one of my favorite foods kaya I gave in to his request (may magagawa pa ba ako
). I can cook carbonara and spaghetti in red sauce (I don’t know how to call it, since it’s a combination of Italian and Filipino Spaghetti
).
Lolee (my younger sister) and I want our spaghetti with lots of herbs and spices
. Before, ayaw nya ng may mga herbs pero lately sya pa ang nagsasabi na dagdagan ko pa daw ng mga dahon… Spaghetti is one of our (just Lolee and I) comfort food sa bahay before and nag-alaga pa kame ng basil plant para fresh talaga
. Too bad, namatay na ang basil dahil nalunod yata sa ihi ni Tay!
(hinala namin ni Lolee, Hehe, so iwww).