Published April 1st, 2007 by tinga

Pagsisimula…

Hindi pala madaling gumawa ng isang blog. Marami palang dapat isipin at gawin sa simula…

Iisipin mo muna kung ano ang magandang pamagat ng blog, pagkatapos ay ang pag-gawa ng disenyo ng website at ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagsisimulang sumulat.

Sa tulong aking asawa naisip namin ang pamagat na “PiNoY enPSYCHoLoKoPeDia: Samu’t saring istorya mula sa buhay ng isang tinga…”. Malamang alam nyo na kung bakit “PSYCHO” at “LOKO“, pero itatanong nyo kung bakit “tinga” ? Kung ako tatanungin nyo, di ko rin alam. Basta yan ang tawag sakin ng aking asawa, itanong nyo na lang sa kanya.

Mabalik tayo sa ating usapan. Pagkatapos ng pamagat, ay dinisenyo ko naman ang website. Gusto kong makita ang pagka-Pinoy ko sa logo ng blog ko, kaya pinilit kong isiningit ang watawat ng Pilipinas sa mga letra ng “Pinoy“, ideya na naman ito ng aking asawa (sya na kaya pagawin at pasulatin ko sa blog na’ to?). Pagkatapos ng logo, naghanap naman ako ng temang makulay na babagay dito. Matapos ang ilang araw ay nakakita naman ako.   

Tapos na ako sa unang dalawang dapat na gawin. Nandito na ako ngayon sa pinakamahirap na parte, ang simula ng pagsusulat :)


1 Response to “Pagsisimula…”

Feed for this Entry Trackback Address
  1. 1

    chel Says

    way to go vin! very interesting blog! kakatuwa mga sinusulat mo, alvin na alvin…feeling ko, habang binabasa ko blog mo, kaw mismo nagsasalita sa harap ko hehe alvin na alvin ang dating!

    nice to know about you and your (hospital)adventures … wag ka na matakot sa karayom ah?

    rachel